Kapag ikaw ay takot sa mga maliliit na espasyo, tiyak mahihilo at madali kang mataranta kung papasok ka sa isang lugar na madilim at makikipot ang daan.
Tiyak ay marami sa atin ay may kanya-kanyang phobia. Ang sabi ng mga dalubhasa, may pinagmulan daw ang takot nating ito. Dahil hindi natin ito nabibigyan nang pansin, lumaki at tumanda tayong hindi alam ang dahilan nito at dala-dala natin ito hanggang sa ating kamatayan. Sa ating bansa, kakaunti lang ang may lakas nang loob na magpasuri sa mga dalubhasa upang matugunan ang kakaibang takot na ito.
Dati ay mayroon din akong ganitong problema. Ang hirap huminga lalo na kapag sobrang masikip ang lugar na aking nadadaanan o napapasukan. Dahil nga adventurer ako, sinikap kong labanan ito para naman maenjoy ko ang aking paglagalag. Paminsan-minsan ay umaatake ang aking panic lalo na kapag naunahan ako nang kaba at tipong wala akong assurance na magiging okay ang lahat. Pero sa unti-unting exposure ko sa mga masisikip at madidilim na lugar, bibihira na lang akong makaramdam ng claustrophobia.
Ang sabi nga, lakasan ng loob lang 'yan. Kung palaging padadaig ka sa takot mo ay walang mangyayari sa 'yo. Kung may oras at pagkakataon para malabanan mo ito, dapat mong i-grab ang sandaling iyon at sobrang heaven ang pakiramdam kung ito ay iyong mapagtagumpayan.
No comments:
Post a Comment