Bawat isa daw sa atin ay
nagsusuot ng mask o maskara. Ito daw ay
ating ginagawa para itago ang ibang parte ng ating mukha.
Base sa aking
experience at ganoon din sa mga taong aking nakikilala, hindi nararapat na
ipakita mo sa bawat isang tao na iyong nakakasalamuha ang iyong buong
mukha. Ang dahilan? Magsisilbi kasing kahinaan mo ang pagpapakita
ng buo mong mukha sa mga taong mayroong hindi magandang gawin sa iyo.
Kaya’t habang maaari ay
marapat lang na ipakita mo ang bahagi ng iyong mukha kung ano ang dapat mong
ibahagi sa bawat nilalang na iyong makikilala at makakasalamuha. Ito ay magsisilbi mong pananggalang at maging
kalakasan mo rin sa mga darating pang araw.
No comments:
Post a Comment