Ang singular daw ng abs
ay ab. Hehe.
Kapag panahon ng
summer, marami talaga ang naghahanda para idisplay at ipagmalaki ang kanilang
abs. Iyon bang tipong talagang kinakarir
ang pagpapalaki ng katawan at ganoon din ang pagkakaroon ng maraming pandesal sa
tiyan. Dahil nagiging fad o trend ang
ganitong klaseng pangangatawan, ang iba ay halos araw-arawin ang gym para lang
magiging summer ready ang kanilang katawan.
Ang iba ay sadyang
nagpapaganda ng katawan dahil gusto nilang idisplay ito. Kung baga, mas binibigyan nila ng atensiyon
ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa kanilang katawan at hindi sa kung ano ang
kanilang pagkatao. Sa panahon ngayon
kung saan naglilipana ang may mga pormang pandesal sa tiyan, -ano ang ikaaangat
mo kung pare-pareho kayo ng hitsura?
Pero marami din sa atin
ang hindi napipressure sa ganitong ideya.
Kung baga, walang pakialaman sa trip.
E ano ngayon kung may 6 pack abs o 8 pack abs ka kumpara sa one big ab
ko? Haha. Hindi naman doon nasusukat ang pagkalalake at
pagkatao. Ang mahalaga ay naeenjoy mo
ang iyong bakasyon at nagiging makabuluhan ito sa iyo.
No comments:
Post a Comment