Kapag sobrang init ng
panahon, isa ang pamaypay sa pampapatid ng matinding init na ating
nararamdaman.
Sa pagpaparamdam ng
summer, talaga namang tagaktak ang ating pawis sa matinding init. Kaya nga ang taas ng bayarin natin sa
kuryente dahil halos 24/7 na gumagana ang aircon at electric fan sa bahay dahil
pilit nating nilalaban ang init. Ang iba
sa atin ay halos gustong tumira na sa mga malls dahil libre ang lamig
doon. Hehe.
Dahil sa tropical na
bansa tayo at nararanasan natin ang patuloy na pag-init ng panahon dulot ng
climate change, halos minsan ay isumpa natin ang init ng panahon lalo na kapag
gabi. Kapag maalinsangan ang gabi at
electric fan lang ang gamit mo, isa itong matinding parusa lalo na kapag kulob
ang kuwarto mo. Kahit na magpropotesta
ka at gusto mong takasan ang halos nagliliyab mong lugar ay wala kang magawa
dahil iyon lang ang meron ka. Kaya’t
isang malaking ginhawa na ang makaramdam ka nang malamig na ihip ng hangin.
Pero siguro kahit na
gaano kainit ang panahon ay hindi mo nanaisin na gumamit ng pamaypay na nasa
litrato. Malamang ay mapapamura ka dahil
sa halip na ginhawa ang aabutin mo ay sasakit pa ang kamay at balikat mo sa
paggamit ng napakalaking pamaypay na ito.
Kumbaga, gud lak sa iyo kung ito ang pamaypay mo. Haha.
No comments:
Post a Comment