‘Ayan nga!’
Naagaw ang aking pansin
ng isang babae na medyo napalakas ang boses habang inginunguso nito ang
napiling ulam. Napatingin ako sa aking
katabi at nakita kong nakaarko ang kilay nito.
Ang lalakeng umaasikaso sa kanya ay nakangiti naman at hindi apektado sa
mala-mataray na hitsura ng babae.
‘Sa ‘yo, ‘te?’
Narinig ko muli ang
tanong ng lalakeng tindero at natatawa na ito.
Doon ko napagtanto na magkakilala pala ang dalawa at tipong isang normal
na tagpo ito para sa kanila. Ilang sandali
pa ay nakita ko ang lalakeng tindero na sumasandok ng order ng babae at ako man
ay natawa sa aking nakita. Sayote pala ang
order ng babae.
No comments:
Post a Comment