Minsan ay merong
nagtanong. Kung nagkasala ka raw at paparusahan,
ano ang pipiliin mo? Tutusukin ka ng
cactus sa puwet o tutusukin ka ng bubuyog sa puwet? Haha.
Dahil libre naman at tipong usapang lasing lang, lahat yata ng
maisip na katarantaduhan ay puwedeng gawan ng kuwento at sitwasyon.
Kung natusok ka na ng
cactus, tiyak na hindi mo ito pipiliin dahil sa masakit ang matinik dito. Iyon bang tipong ilang minuto na ang
nakalipas ay ramdam mo ang bawat pintig ng sakit na patuloy na nagpapasakit sa
iyo. At isang tinik pa lang iyon. Ano pa kaya kung buong cactus ang sumayad sa katawan
mo, lalo na sa puwet mo. Talagang hindi mo
nanaisin na matusok nito.
Siguro, mas
nakalalamang ang maraming magpapatusok sa bubuyog dahil iisa lang ang karayom
nito. Hindi gaya sa cactus na
sangkaterbang tinik ang magpapahiyaw sa iyo.
Pero siyempre, minsan ang isang obvious na sitwasyon gaya ng isang
kuwento ay mayroong twist para naman mas challenging. Papayag ka kayang magpapatusok sa puwet gamit
ang bubuyog kung si Jollibee ang gagawa noon sa iyo? Haha.
No comments:
Post a Comment