Isa ang langka sa mga abundant na gulay na meron sa aming lugar at available ito sa buong taon. Dahil nakasanayan nang iluto ito sa amin, asahan mong sa pagpitas ng isang buong langka ay ilang araw ding puro langka ang gulay namin para hindi masayang ito.
Kalimitan sa inihahanda naming luto ay ginataang langka, nilagang karne na sinahugan ng langka, at langka na may kadios. Dati ay hirap akong kumain ng langka dahil sa malalaking hiwa nito. Pero dahil sa pagnanais kong maenjoy ang pagkaing ito, nagtadtad ako ng langka at saka ko inihalo sa dinuguan. Wow, sarap! Naging instant hit din ito sa pamilya ko dahil hindi nga naman hirap isubo ang maliliit na hiwa ng langka.
Pero ang sabi nga, kailangan din daw nating mag-ingat sa langka. Iwasan daw na magtatambay sa ilalim ng puno ng langka at kapag nalaglag ang bunga nito sa mukha mo, tiyak alam mo na ang mangyayari sa iyo. Haha.
No comments:
Post a Comment