Monday, June 1, 2015

Pawis



Ang anumang bagay na sadyang pinagpapawisan ay mas nagiging makabuluhan kapag ating 
 nakamtan.

Madalas ay nagiging tamad na ang karamihan sa atin at kung merong shortcut para madaling makamtan ang isang bagay ay ito pa ang ating mas gugustuhin kahit na ang madalas mangyari ay hindi ito naaayon sa kung ano ang tama at nararapat.  Dala marahil ito nang pagbabago ng panahon at pati na ang mga naglilipanang mga instant na bagay.  Pati nga ang pagyaman ay dinadaan na rin sa suwerte at malamang ay nakataya na ang marami sa atin sa lotto para sa minimithing instant na yaman.

Hindi naman daw masama ang mangarap dahil libre ito.  Pero may mga pagkakataong kailangan nating magpapawis para makamit natin ang ating minimithing pangarap.  May mga pangarap na nangangailangan ng mahabang panahon at tamang preparasyon para ito ay makamit nang lubos.  Dahil dito, kailangan natin itong pagpapawisan nang husto.

Ang sabi naman ng isang pilosopong aking nakausap, ang mga holdaper at magnanakaw daw ay pinagpapawisan din naman ang kanilang ginagawa.  Tama nga naman siya.  Pero ang tanong, magiging makatarungan ba ang obserbasyong ito kapag ikaw na ang siyang mabibiktima?

No comments:

Post a Comment