Kapag malakas daw ang bugso ng tubig sa ilog, kailangan nating kumapit pansamantala.
Bilang isang tao, alam natin ang ating sariling kakayahan. May mga pagkakataon na nasusubok ang ating lakas at kakayahan. Sa mga pagkakataon na tayo ay nasusuong sa mga pagsubok, alam natin kung ano ang ating kakayahan at kahinaan. At kapag nahihirapan tayo ay puwede namang pansamantalang humimpil at kumapit.
Hindi sa lahat ng oras ay malakas tayo at nakakaya nating lampasan agad-agad ang isang pagsubok. Darating ang sandali na may isang matinding pagsubok na talagang susubok sa ating katatagan at kalakasan. Kapag dumating ang sandaling iyon at alam nating mahihirapan tayong suungin iyon, lahat ng puwede nating kapitan at hiraman ng lakas ay puwede nating gawin. Alalahanin natin na hindi kalabisan at normal lang na humingi ng tulong. Ang mahalaga ay alam natin kung papaano at kailangan puwedeng lumaban at kung kelan magpapalipas muna ng sitwasyon.
Hold on o kapit lang. May mga pagkakataon na dapat tayong matutong maging pasensyoso at humanap ng mga alternatibong strategy para malampasan natin ang matinding pagsubok na ating kinakaharap. Alalahanin natin na may bukas pa at may darating pang ibang araw. At kailangan nating mag-ipon nang lahat nating lakas para kapag handa na tayo ay makakaya na nating suungin at labanan ang anumang pagsubok na iyon.
No comments:
Post a Comment