May mga tao na likas na mahiyain. Isa sa mga dahilan nang pagiging mahiyain ay ang pagkakaroon ng mababang confidence sa sarili.
Habang bata pa raw ang isang tao, dapat ay ini-expose na ito sa mundo at maging sa kanyang kapwa tao. Dapat ay hinahayaan itong makihalubilo sa ibang mga tao na hindi niya kilala o hindi niya masyadong kilala. Dapat ay matuto siyang makibagay sa mga ito sa aspetong kaayaaya. Para sa paglipas ng panahon ay masanay na siya at hindi na lang basta-basta titiklop sa presensiya ng ibang tao.
Ang isang bagay na natutunan ko para maalis ang aking pagiging mahiyain ay ang narinig ko mula sa isang resource person. Ang sabi ng taong iyon ay hindi ka dapat mahiya sa ibang tao dahil wala ka namang gagawing masama sa kanila. Kung sincere at maayos ang iyong pakay, ang pakikipagkapwa mo ay di dapat ikahiya.
No comments:
Post a Comment