Hindi daw totoo ang forever?
Ang karaniwang naiisip natin kapag nababanggit ang salitang forever ay walang hanggan o walang katapusan. Malamang dahil sa mga kahulugang ito kaya nasasabi ng iba na hindi totoo ang forever o wala namang forever. O baka naman napagdaanan na ng iba sa atin ang masaktan kaya't hindi sila naniniwala sa forever?
Ang isa pang ibig sabihin ng salitang forever ay sa lahat ng oras o sa mahabang panahon. Ibig sabihin ay nakatuon ang isipan at damdamin niyo para sa isa't isa sa pangmatagalang panahon.
Kahit na ano pa mang dahilan yan, may forever man o wala, ang mahalaga ay nagawa mong magmahal at mahalin. Ang sabi nga, habang nandiyan ang pagmamahal ibigay mo ang dapat mong ibigay para sa bandang huli ay wala kang pagsisisihan. Kung dumating man ang takdang panahon na hanggang doon na lang ang inyong pagmamahalan, at least walang pagsisisi o hindi ka manghihinayang dahil nagawa mong mahalin ng tapat at buo ang iyong kabiyak. Hindi naman importante kung ilang taon o hanggang kamatayan ang inyong pagmamahalan. Ang mas importante ay nagmahal ka nang tapat at wagas.
No comments:
Post a Comment