Kapag dayo ka sa isang lugar, tiyak ay may mga matang makikiusyuso sa iyo.
Karaniwang tagpo na ang mga matang nakamasid o nakatingin sa iyo kapag dumadayo ka sa isang lugar. Dahil isa kang estranghero, hindi maiiwasang pagtitinginan ko at may mga palihim na magtatanong kung sino ka at kung ano ang sadya mo sa kanilang lugar. Mayroon din namang mga matatapang at nagpapakilala para mas madali sa kanila ang makakuha ng impormasyon tungkol sa iyo.
Sa isang paggala ko ay nataon namang may batang nakiusyuso sa amin. Hindi siya pumapasok sa bahay at doon lang siya sa labas ng pinto at talagang umayos pa siya nang puwesto habang nakatingin at nanonood sa amin. Mas inigihan pa niya ang kanyang ayos nang makita niyang nakatutok ang kamera ko sa kanya.
Nakakatuwang isipin na mas nagiging madali ang pagwelcome sa isang bisita lalo na kapag may bata. Effective na ice breaker ang isang bata at dahil dito ay mas madali ang pakikipagkuwentuhan at mabilis ding magkapalagayang loob sa isa't isa.
No comments:
Post a Comment