Kapag ang bata ay baby
pa, nakakaaliw daw ito. Kapag ang bata
ay lumaki na, nakakabaliw na daw. Haha.
Kapag lumaki na ang
bata ay doon mo na makikita ang kanyang personality. Kahit na nakuha nito ang features ng kanyang mga
magulang, asahan mong may sarili din itong pag-uugali. Kaya naman sa kung kaya na iprogram ang
pag-uugali ng isang bata. Kumbaga sa
kasabihan, habang bata pa ay kaya pang ayusin at alalayan ang paglaki ng isang
puno.
Pero dumadating ang
panahon na sadyang may sariling personalidad ang isang tao. Nakakatakot mang isipin na baka pagdating ng
tamang edad ay lilihis ito sa kung ano ang magandang naituro sa kanya. Kapag mangyari iyon, wala naman tayong
magagawa kundi ang suportahan siya. Ang
mahalaga ay habang bata siya, dapat nating punuin siya nang pagmamahal at sapat
na kalinga. Dapat ipamulat sa kanya ang
kagandahang-asal at takot sa Diyos. At
sa kanyang paglaki, nawa’y magiging instrumento ang lahat ng mga kabutihang
naituro at naipadama sa kanya.
No comments:
Post a Comment