Sa isang park ay naaktuhan ko na nagpapakain sila ng mga alagang ibon. Papagabi na noon kaya't parang hapunan na rin iyon para sa mga ibon.
Nakakatuwang panoorin ang mga ibon dahil kusa silang lumalapit sa taong nag-aalaga sa kanila. Parang mayroon silang sariling isip at kusa silang lumalapit sa kanilang handler kapag oras na ng kanilang pagkain. Malamang sa tinagal-tagal ng panahon ay kilala na nila kung sino ang kanilang handler sa dami ng iba't ibang tao na paroo't parito sa park.
Nakuha ng isang ibon ang aking atensiyon. Agaw pansin kasi ang puti niyang balahibo sa bandang ulo nito na nagbigay nang kakaibang hitsura sa kanya at mas nabigyan ng emphasis ang pula nitong balahibo. Akala ko ay natural niyang balahibo iyon pero ang sabi ng handler ay matanda na raw ang ibon. Ang puting balahibo nito ay uban nang maituturing kumpara sa tao. Iyon pala 'yon.
No comments:
Post a Comment