Ang gara talagang gumala
lalo na kapag mapadpad ka sa isang lugar na maituturing mong isang
paraiso.
Mapalad tayo dahil
maraming mga magagandang lugar dito sa Pilipinas na naghihintay na ating
matuklasan. Marahil ay may kanya-kanya
tayong mga paboritong pasyalang narating at mas lalo pang madadagdagan ang
ating listahan kapag nakakarating tayo sa iba pang mga lugar.
Ang ganda ng isang
lugar na pwede nating ituring na paraiso ay depende sa ating panlasa. Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang
pamantayan ng maituturing nating isang paraiso.
Para sa akin basta maganda ang scenic view ay swak na ito. Kahit na medyo may kahirapang marating ito,
talagang sulit naman kapag nagawa mong puntahan ito.
Ang sabi nga sa kanta
ay tayo lang naman ang gumagawa at nagdidikta kung ano ang paraiso. Ang higit na importante sa lahat ay magawa
nating i-appreciate ang ganda ng kalikasan at panatilihin nating malinis at
nasa magandang anyo ito. At kung ang
turing natin sa ating bansa ay isang paraiso, dapat sa atin nagsisimula ang
lahat bago pa man ito matuklasan ng iba pang mga banyaga.
No comments:
Post a Comment