Noong nabubuhay pa ang
aking ‘nanay-nanayan’, malapit ito sa isa sa mga nasirang tiyahin ko. Kapag walang ginagawa ang tihayin kong iyon,
lumilipas din ang buong hapon na nagkukuwentuhan lang sila. Binibiro nga ng iba na marahil ay naaswang na
rin ang tiyahin ko dahil sa maraming beses itong pumupunta sa bahay ng
‘nanay-nanayan’ ko.
Nang minsang
nagkukuwentuhan kami ng tiyahin kong iyon ay naitanong ko sa kanya ang ilang
mga bagay tungkol sa ‘nanay-nanayan’ ko at kasama na doon ang birong kung
naaswang na rin siya. Natawa na lang ang
tiyahin ko dahil sa nasambit ko at hindi naman lingid sa kanya ang ganoong
klaseng biro mula sa ibang mga tao.
Ang ginagawa ng
tiyahin ko habang nandoon siya sa bahay ng ‘nanay-nanayan’ ko ay hinihimay pala
niya ang mga sirang hibla ng tapis o patadyong ng ‘nanay-nanayan’ ko. Hinahayaan daw naman siya ng ‘nanay-nanayan’
ko at alam naman nito na inuuwi ito ng tiyahin ko. Sa bahay ng tiyahin ko, kanyang susunugin
ang mga hiblang iyon at ihahalo nito ang abo sa kanyang tubig na inumin. Sa ganoong paraan daw ay hindi siya tatablan ng
kahit na anong masamang balak o gawin sa kanya ng ‘nanay-nanayan’ ko. Haha.
Ang wais talaga ng tiyahin kong iyon.
No comments:
Post a Comment