Matagal ko nang narinig
ang tungkol sa tortang sardinas pero kelan ko lang ito sinubukang gawin.
May ilang mga kakilala
ako na gustong-gusto nila ang tortang sardinas.
Masarap daw ito lalo na kapag ginigisa mo sa maraming sibuyas. Ang amoy at lasa kasi ng sibuyas ang siyang
pang-neutralize ng lasa at amoy ng sardinas.
Nang sinubukan kong
gawin ito ay parang kumain pa rin ako ng sardinas na walang sauce. Siyempre, sardinas nga e. Haha. Dahil hindi ako mahilig kumain ng sibuyas, iginisa
ko lang sa mantika ang sardinas at ilang sandali pa ay nilagyan ko na ito ng
binateng itlog. Ayun at napulaan tuloy
ako ng kaibigan ko na di daw iyon ang tamang preparasyon. Malamang next time ay lalagyan ko na ito ng
tinadtad na sibuyas para lang makain ko ito nang hindi hinihiwalay ang sibuyas
sa ulam.
No comments:
Post a Comment