Effective daw ang bawang
na kainin ng mga taong high blood. Pero hindi
ito mabisang pangontra sa mga taong magaling magdulot ng high blood sa
kapwa. Haha.
Nang mapadaan kami
minsan sa Mindoro ay namakyaw kami ng bungkos ng bawang. Isa kasi ang bawang sa masugid na laman ng
aming kusina. At dahil native na bawang
ang siyang itinitinda sa Mindoro, patok itong pampasalubong sa bahay.
Hindi ako mahilig
kumain ng bawang. Minsan ay nababadtrip
ako lalo na kapag nakakakagat ako nito sa kasarapan ng aking pagkain. Pero kapag naggigisa ay gusto ko ang amoy
nito. At heto nga at namamakyaw ako ng
bawang kahit na di ko ito trip kainin.
Nang bumalik na kami sa
upuan namin sa loob ng bus, may isang babae na mukhang inosente ang
tanong. Ang tanong ng babae ay kung mabisang
pangontra daw ba ang bawang sa aswang at kung totoong maraming aswang sa aming
lugar. Haha. Natawa talaga ako sa tanong na iyon ng babae
at tipong excited na makakita ng aswang.
Mabuti na lang kamo at hindi full moon ng gabing iyon at malamang ay
sinampolan ko siya. Haha.
Bago ko sinagot ang
tanong ng babaeng iyon ay isinabit ko muna sa aking leeg ang isang bungkos ng
bawang. Pagkatapos ay sinabihan ko ang
babae na hindi effective ang bawang bilang pangontra sa aswang. Biglang siniko ako ng aking pinsan sabay sita
sa akin na baka maniwala ang babae na isa akong aswang. Haha.
No comments:
Post a Comment