Nakailang beses na rin
akong nakagawa ng ganitong pagkain at laging blockbuster ito. Nakita ko lang ito dati sa label ng isang mayonnaise
at nang sinubukan kong gawin ay success naman.
Minsan ay may tumulong
sa akin na magprepare nito at sobrang natuwa yata ang kasama ko at sa dami ng
aming ginawa ay tiyak na mapaparami daw siya nang kain. Sobrang laki nang tawa ko nang maluto ito ay
hindi niya nagawang panindigan ang kanyang sinabi. Wala pa yatang limang piraso ang kanyang
nakain ay umayaw na siya. Sobrang
mabigat daw pala sa tiyan at kagyat siyang sumuko. Ang ending, inabot pa ng kinabukasan ang
natira naming bread rolls.
No comments:
Post a Comment