May napakinggan akong lokal na awiting reggae na may lyrics na sadyang pangkiliti ng imahinasyon. Ang taong pumapatay daw ng sunog ay bumbero. Ang taong naggugupit daw ng buhok ay barbero. Ang taong mahilig daw uminum ng yakult ay yakulero. Haha.
Siguro ay marami na sa atin ang nakatikim na ng yakult. Wala na lang pakialamanan kung tawagin man tayong yakulero o yakulera. Marahil ay naengganyo tayo ng commercial nito at sa dulot nitong tulong para sa ating digestion. At marahil din ay meron sa atin na talagang may stock nito sa ref at naging ugali na ang pag-inum nito.
Sa makabagong panahon kung saan ay sari-saring sakit ang ating dinadanas dahil sa mga makabago at kung minsan ay nakakapaminsalang mga pagkain, marapat lang siguro na maging maalaga tayo sa ating katawan at sarili para hindi tayo magkakasakit. Kung minsan, ang isang murang supplement gaya ng yakult ay pinanghihinayangan nating gastusan pero kapag naospital na tayo ay mas libong higit pa ang ating ginagastos para gumaling.
Disclaimer lang po. Hindi po ako ahente ng yakult at di rin po ako nagbebenta ng yakult. Hehe.
No comments:
Post a Comment