Kung mahilig ka sa sports, pwedeng umorder ng sports shoes online. Pero kapag usapang 'adidas' sa Pinas, tinutuhog ito ng stick.
Walang makapagsasabi kung kelan nagsimulang gamitin ang salitang adidas na patungkol sa tatlong mahahabang daliri ng manok. Actually, mahilig ang mga Pinoy na maggawa ng mga kakaibang pangalan sa iba't ibang mga bagay at kasama na dito ang mga pangalan sa pagkain. Kaya nga kapag estranghero ka, tiyak na matatawa ka na lang kapag lingid sa iyong inaasahan ang mga salitang gamit ng iyong Pinoy na kausap.
Isa sa mga best seller ang pagkaing adidas na mabili lang diyan sa kanto. Paborito itong iniihaw at kapag malupit ang lasa ng sawsawan mo ay tiyak na dadami ang suki mo. Kapag hindi mo pa natitikman ito, isa ito sa mga street food na di mo dapat palampasin. At tiyak mapapajogging o mapapatakbo ka sa sarap. Hehe.
No comments:
Post a Comment