Simulang nang dumami na ang mga nagtitinda ng street foods, dumami na rin ang uri ng mga street food na pwedeng mabili at kasama na dito ang hotdog/cheesedog.
Habang dumadami ang kumpetensiya ay nagiging creative ang marami sa mga tindero't tindera na mag-offer ng iba pang pwedeng ibenta sa kalye. Ang mga traditional na kikiam, fish ball, squid ball ay nadagdagan ng kung anu't ano pa. Nakakatuwang isipin na sa baryang halaga ay pwede ka nang tumikim ng mga pagkain na kadalasan ay nabibili ng buo lang At hindi dito nalalayo ang cheesedog/hotdog.
May mga kilala ako na kapag wala silang ulam ay pupunta lang sila sa nagtitinda nito sa may kanto at may instant ulam na sila at may kasama pang libreng sawsawan. Kung sa resto o karenderia sila bibili ay mas mahal ang benta sa hotdog/cheesedog samantalang dalawang piso lang kada hiwa ang pagkaing ito.
No comments:
Post a Comment