Saturday, January 17, 2015

Stand Tall and Proud


May mga pagkakataong meron tayong itinatagong mga insecurities sa buhay lalo na kapag hindi tayo confident sa kung ano ang meron tayo.  Kahit na sino sa atin ay may dinadalang insecurities sa buhay dahil walang perpektong tao at meron tayong mga inaasam na mga bagay na talagang ipinagkait sa atin.  Ang sabi nga nila ay masyadong magaling si Lord dahil hindi ng lahat ng mga bagay ay ipinagkakaloob niya sa iilang mga nilalang lang.

Minsan ay may mga nakikilala o nakikita tayong mga tao na talagang angat sa atin at masasabi nating mabuti pa sila at halos ang lahat ay nasa kanila na.  Pero katulad natin, may mga hangarin din silang hindi nila nakakatamtan.  Nagkataon lang marahil na mas madiskarte ang iba sa kanila kaya't sa tingin natin ay sobra-sobrang biyaya na ang meron sa kanila.

Marahil kaya nagkakaroon tayo ng mga insecurities sa ating buhay ay mas nakatuon ang ating pansin sa kung ano ang kulang sa atin at hindi sa kung ano ang meron tayo.  Maliban dito, minsan nagkakaroon nang inggit sa katawan dahil sa tingin natin ay higit na pinagpala ang ibang tao kesa sa atin.  Marahil ay nakakalimutan natin na bilang isang anak ng Dakilang Lumikha ay mayroon tayong espesyal na katangian at kakayahan na wala sa iba.  At kung matuto lang tayong gamitin at pahalagahan ang kung ano ang meron tayo, malamang ay magiging masaya at makuntento na tayo.

Stand tall and proud, kaibigan. Make the best happen at nasa kamay mo ang iyong kaligayahan at ganoon din ang katuparan ng iyong mga pangarap.

No comments:

Post a Comment