Friday, January 9, 2015

Adobong Pusit


Ay yayay!  Sa tuwing umuuwi ako sa probinsiya lalo na kapag end of the year, sobrang sagana ng pusit sa amin.  Hindi buo ang bakasyon ko kapag hindi ako nakakatikim ng sariwang pusit na inadobo.

Kahit na simpleng lutong adobo lang ang pagkahanda sa pusit ay solve na ang araw ko.  Talagang napaparami ang kain ko ng kanin kapag ito ang nakahain sa hapag kainan.  Sino ba naman ang hindi matatakam sa sariwang pusit at amoy pa lang ay gugutumin ka na agad.  Haha.  At sa sobrang daming huli nito, halos araw-araw ay ito ang inuulam ko.

No comments:

Post a Comment