Thursday, January 8, 2015

Halik sa Alon


HAHA.  Sobrang laki nang tawa ko nang makita ko ang dalawang batang ito na nag-aabang nang hampas ng alon sa dalampasigan.  Nagtatawanan ang dalawang mokong habang hinihintay nila ang mataas na alon at ang isa ay ibinabalandra ang kanyang mukha para mahampas ng alon.

Kung nasa beach ka nga naman, sobrang maraming pwedeng gawin para magsaya.  First time ko na maka-encounter ng ganitong katuwaan at talagang nakakaaliw silang panoorin.  Sa tuwing matatamaan sila ng alon ay ramdam ko (kahit na nanonood lang ako) ang alat na pumapasok sa ilong ng batang nakadapa.  At sa ilang beses niyang ginagawa nito, panay ang pisil niya ng kanyang ilong dahil sa pumasok na tubig alat.

No comments:

Post a Comment