Wednesday, January 14, 2015

Parasailing


Isa sa mga wishlist ko ay makaranas ng parasailing.  

Kapag napapadaan ako sa Boracay, ang tagpong ito ay karaniwang makikita nang malapitan kapag nakasakay ako sa barko.  Talagang nakakaengganyo ang ganitong activity dahil nakalutang ka sa ere at kita mo ang buong kapaligiran habang nakaupo ka at tipong solo mo ang mundo.  Pero ibang usapan kapag may phobia ka sa matataas na lugar.

Hindi ko alam kung paanong nagmanifest ang aking acrophobia pero nararamdaman ko na lang ito kapag ako ay nasa isang mataas na lugar, building man o bundok, at tipong umiikot ang aking sikmura at simulan na akong pagpawisan ng malamig.

Marami-rami na rin akong ginawang mga buwis-buhay na activities na may kinalaman sa phobia ko.  Iyon bang tipong kahit pakiramdam ko ay mamamatay na ako ng mga sandaling iyon ay ayos lang dahil gusto kong maranasan ang isang nakakatakot na bagay.  At sa paglipas ng mahabang panahon na palaging dinadaanan ko ang lugar na ito, ipinapangako ko sa aking sarili na 'bullet day' (balang araw, haha) ay gagawa at gagawa ako nang paraan para makaranas ng parasailing.


No comments:

Post a Comment