Thursday, January 15, 2015

Apoy sa Langit


Kapag summer ay madalas ganito ang kalangitan natin pagsapit ng dapithapon.  

Masarap tumambay sa tabing-dagat lalo na kapag hindi mainit ang sikat ng araw.  Mapamadaling araw man ito o dapithapon.  Pero dahil mas maganda ang hitsura ng kalangitan kapag dapithapon, ito ang trip kong gawin kapag nasa probinsiya ako.

Sa panahong uso na ang tv, cable, internet, at kung anu-ano pang mga technology at kasama na ang pag-usbong ng mga sari-saring gimik, iba pa rin ang ligaya na hatid ng kalikasan.  Kung baga, nakakagaan ng loob at nakakapagpasariwa ng kaluluwa ang makakita ka ng isang magandang tanawin.  At kadalasan ay nature ang naghahatid nito.

Ang sabi nga ay hindi araw-araw ay pare-pareho ang hitsura ng kalangitan.  Kahit na araw-araw ay sumisikat at lumulubog ang araw, asahan mong ang bawat araw na iyon ay may kanya-kanyang hatid na sariling ganda na tiyak ikakamangha mo.

No comments:

Post a Comment