Thursday, January 22, 2015

Baby


Ang sarap talaga tingnan ng mukha ng isang bata.  Sadyang napakaamo ng mukha ng isang sanggol o bata at hindi mo ito makakitaan ng anumang pagbabalatkayo.

Ang isang baby o sanggol ay itinuturing nating parang isang anghel dahil sa taglay nitong kakaibang ganda at karisma.  Kahit kaninong anak man yan, basta bata o baby pa ay talaga namang ginakagiliwan natin.  Masasabi nating larawan ng isang purong kabusilakan ang anyo ng isang baby dahil wala pa itong kamuwang-muwang sa mundo.

Ang sabi nga ay mabuti pa raw ang isang baby dahil hindi pa corrupted ang pag-iisip at kamalayan nito.  Kaya nga nakakagaan nang loob at nakakapagpasaya ang isang bata dahil sa taglay nitong busilak na budhi at walang anumang pagkukunwari.

No comments:

Post a Comment