Wednesday, January 7, 2015

Rainbow


Ilang beses na rin akong nakakita ng rainbow at sa tuwing lumilitaw ito ay talagang hindi ko pinapalagpas ang pagkakataon na malitratuhan ito.  Iyon nga lang at halos hindi mapansin ang rainbow lalo na kapag sadyang malayo at hindi gaanong matingkad ang kulay nito.

Pero may isang pambihirang pagkakataon nang biglang lumitaw ang isang rainbow.  Dinayo namin ang isang magarang falls sa may Mindanao at talaga namang nakakamangha ang ganda ng falls lalo na kalakasan ng tubig na rumaragasa dito.  Nang tumingkad ang sikat ng haring araw ay doon na lumabas ang rainbow.  Haha.  Jackpot. 

Talagang nakakamangha at sobrang excited kaming lahat lalo na at hindi pa gaanong maraming tao ng mga sandaling iyon.  Para kaming pinagpala, hindi dahil sa palayok na ginto sa dulo ng rainbow kundi sa kakaibang ganda nito.  Dahil sa kapag ng ambon na nagmumula sa falls ay nakabuo ito ng isang rainbow na talaga namang pinagpipiyestahan namin.  Iyon nga lang at parusa naman ito sa hawak kong kamera at talagang bahala na si batman basta makakuha lang ng litrato na may rainbow. 

Talagang sobrang amazing ang tagpong iyon.

No comments:

Post a Comment